Kamuntikan nako kanina!!
-sana mabless ko kayo sa mababasa nyo o kaya magsilbing lesson sa buhay-
Nagbibitikleta ako sa may subdivision malapit samin (masyado kasi mainit sa bahay kaya namasyal muna, woohh, sobra init, pati mga tao maiinit ang ulo), di ku akalain na mangyayari sakin yun. Nung una umistambay muna sa court para manood lang ng isang game ng basketb0l ng mga kabataan, tapos lumibot sa kailaliman ng subdivision. Ang dilim, bengi na kasi. Hanggang sa mapunta ako sa, ahemm, eto na, basta madilim na kalye, wala masyadong ilaw kaya di ko napansin ang, mabalahibong, maputi at mapangil na ASO!!
Ayun mabilis ang takbo ko tapus kumahol (tumahol o kumahol? basta nag-bark sya, yung 'arf arf' na tunog) yun aso, eh di ko na mapreno, ang ginawa ng aso habang papalapit ako eh sya pang lumapit para ata kagatin ako. Ang bagsik ng itsura nya kaya binilisan ko na lang yun takbo... 'arf arf' tyms ten yun sabi nya sakin... ang bilis nya kaya binilisan ko pa, talagang kakagatin nya ko. Ang alam ko kaya nagiging harmful ang mga hayop pag gusto lang nilang protektahan ang teritoryo nila. Eh ako napadaan lan. Buti sa mabilis kong takbo eh walang nakaharang na k0tse o kung ano o kaya nakasalub0ng ulit na aso kung hindi sigurado sa ospital ang tuloy ko nyan.
Nakakatawa ako kanina habang hinahabol ng aso. Nanginginig ang mukha ko. Adrenalin rush kung tawagin (tinuru sa skul un, search nyo sa google kung di nyo alam).
Hay salamat. Ang unang nasa isip ko habang hinahabol ng aso eh nanay ko. Takot nga ko sa aso (sa totoo lang may trauma ako nung kabataan ko, hinabol din ako ng aso na nakagat ang pwet ko), pero mas takot ako sa mamsie ko pag nalaman nyang dahil sa paglalakwatsa ko nakagat ako ng aso. Lagot talaga ako sa kanya. Pero sa tingin ko pagmamahal lang ang tawag dun. Being a mom that truly cares(w0w english!!).
Tapos na ang kwento. Tulog na tayo, pero pray muna bago tulog.
Nanayt. God bless ΓΌ.
:)
bentot
this world has nothing for me..
Tuesday, March 31, 2009
Thursday, November 09, 2006
Kapag umihi ang langit
Naranasan nyo na bang maholdap habang kinikidnap? O kaya malagutan ng hininga habang kumakain ng corned beef? O kaya manood ng 'Harry Potter and the Seven Dwarfs' habang kinakanta ang timsong ng doremon? O kaya magbasa ng isang post sa blog na puro tanong ng isang SIKAT na writer? Kung ako ang tatanungin, hinde pah. Pero naranasan mo na bang ihian ng langit? Yan ang tanong na tayong lahat ay sasagot ng sagot na 'OO'. Ang tinutukoy ko ay ang ulan. Tama, ang ulan ng langit. Sabi ng iba, ang ulan ay ang pag-iyak ng langit tuwing nakakaramdam ito ng kalungkutan. Ang iba naman ay ang ulan ay pag-evaporate ng tubig at pag-condense tapos naging ulan. Ang bersyon naman ng isang(IN THE FUTURE SIKAT) writer na nagngangalang bentot, ang pag-ulan daw ay pag-ihi ng langit. Masasabi din daw na ang mga ipo-ipo o malakas na hangin ay ang pagbaheng ng langit. At ang pagsnow ay mga kulangot na kumakawala sa ilong ng langit. Buti na lang walang snow sa Pinas. Marami na ring mga kanta na sumikat ang patunkol sa ulan. Tulad ng mga ss:
Ulan
--by Rivermaya(na si bamboo pa ang Vocalist)
--para sa mga taong mahilig maligo sa ihi ng langit
Ulan
--by Cueshe
--para sa mga taong hindi makahanap ng chix
Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay
--ng Apo
--mabuhay ang Apo
Tuwing Umuulan at Kapiling Ka
--ni R. Velazquez
--para sa mga taong idol si Regine
Umaaraw, Umuulan
--ng Rivermaya
--para sa mga taong naniniwala sa salitang 'PAG-ASA'
Heto ako basang-basa sa ulan
--ng Aegis
--para sa mga taong walang magawa kundi sumigaw
Rain..rain..go away..
--hindi ko alam kung sino ang sumulat
--para sa mga bata, isipbata, itsurang bata at batabatuta
Ayon din sa pag-aaral ko, marami ang nagkakasakit kapag sila'y naulanan, yun ay dahil dumi ng langit ang pag-ulan. Kaya ang payo ko kapatid, wag kang maliligo sa ihi ng langit. Maraming salamat sa pagbabasa at GOD blez alwyz,,ingatz.. :)
Tuesday, September 12, 2006
Undefined
Sumakay ako ng angeles-san fernandong dyip at nakarinig ng dalawang taong ngayon lang ulit nagkakitaan:
Pare1: Oh kamusta?? Kelan ka pa dumating??
Pare2: (bumunot ng pera at pinamasahe si kumpare) Nung isang linggo lang. Bayad po oh.. metung pa puh..
Pare1: (nasiyahan dahil nilibre ni kumpare) Ilang taon ka pala do'n??
Pare2: 18 months lang..
Nagkamustahan sila tungkol sa pamilya nila at kasalukuyang buhay. Hanggang do'n lang ang ikwekwento ko dahil hindi naman ako chismoso para pakinggan ang sinasabi nila pero masisiguro ko naman na sila ang naging ingay ng jeepning sinakyan ko. Hindi ko sigurado kung ano ang naging tarbaho ni pare2 at kung saan syang bansa galing at tatanong ko sana yun pero di ako yun tipo ng tao na nakikialam sa usapan ng iba. Pero bago ako sumakay dun at umuwi sa bahay ay nagtest muna ako sa trigo. Easy alng di katulad nung nakaraan. Kaya lang hindi ko naperpek kasi nalito ako kung zero ba o undefined na title ng post na ito ang sagot. Kala ko kasi zero dahil cotangent ng one over zero ay kala ko ay zero pero undefined talaga ang sagot eh. Tinuro pa naman din ni ma'am malang yun nung highschool kami sa SSC pero di ko nasagot. Oh men. Sayang!! Perpek sana. Hay naku. Di pa ko nakakaperpek men. Dati kala ko perpek ako sa trigo pero zero pala. Tama nga siguro ang kasabihang 'nobody is perfect' saka 'pumikit ka man, madilim pa din'. Cge Gbu. Slmt s pgbbsa bro. Pagkatapos nito papakinggan ko muna yun kanta na hindi ko alam yun title. Binigay sakin ni nugz yun cd ng mga christian songs na pinapatugtog sa yojam at paborito ko dun yun 'Salvation is here' saka 'tell da world dat JESUS lives' tapus yun isa na 'my only one' saka 'our GOD is an awesome GOD he raised from heaven above'. Yun lang. Babay.

Thursday, August 31, 2006
May GRADO ang DROGA ni GARDO
Wala lang. Sa kakaisip ko sa salitang droga kung ano-ano yun nabuo kong salita na tugma sa droga.Nakaimbento ako ng bagong tongue twister na hindi ko alam kung bago nga o dehins. Hehehe. Cge ikaw subukan mong sabihin yan ng paulit ulit sa loob ng 1hour and 60min and 3600sec at pagnagawa mu yun bigyan kita ng US$YP100,000,000,000.00. Hehehe. Tsige try and try until(you die) you suceed. Gbu. Slmt s pgbbsa.
Monday, August 21, 2006
Marcial Bonifacio
Kilala nyo ba si Marcial Bonifacio? Ito'y pangalang ginamit ni ninoy para makabalik ng pinas dahil binan sya ng rehimeng marcos na mortal nyang kalaban. Ang Marcial ay sumisimbulo sa martial law na kumitil ng demokrasya ng bansa at ang Bonifacio ay hango sa Fort Boni na pinagkulungan kay ninoy dahil sa pagtuligsa nya kay marcos. At pagbalik ni ninoy dito sa bansa gamit ang pangalan, binaril sya at namatay sa airport na ipinangalan sa kanya. Kaya ko sya nabanggit dahil araw ngayon ng pagkamaty nya. Naalala ko lang dahil binalita sa tv at ginawang holiday kaya walang pasok ngayon. Konti na lang siguro ang nagdidiwang ng pagkatsugi nya at ang pagiging bayani nya na ipinaglaban ang demokrasya ng bansa. Konti na lang ang nakakaalam ng pangalang Marcial Bonifacio. Napanood ko kagabi sa ch9 yun maikling istorya ng buhay nya kasama ang tapang at pagmamahal nya s bayan. Para syang si Jose Rizal na hinuli,kinulong,pumunta sa ibang bansa at binaril pero si ninoy nakatalikod ng binaril. Sya nga pala, nagpagupit ako kanina sa pulung bulu. Sinabi sakin ng mama ko na may barbero daw dun na bakla na gumugupit ng usong buhok. Dati na kong nagpagupit sa bakla. Ayos. Maganda. Ganun talaga ang mga bakla kung gumupit. Para silang iskupltor na may sining sa paggupit. Di lang basta gupit, dahan-dahan at may pagalaga. P60 ang singil pero P50 lang sakin dahil may discount daw ang mga pogi. Kala ko aabot ng higit doon kasi hiner dry pa ko at naisip kong tumakbo kung ganun kamahal dahil saktong P60 lang binigay ni mama ko. Nahiya ako nung una dahil sarado pa sila at sinilip ko sa loob at nakita kong tulog. Inistorbo ko tapos P60 lang ibabayad ko. Pero kahit na bakla sila, astig din sila. Idolo ko nga din sila eh. Pero di ibigsabihin nun bakla ako. Hindi dapat sila inaalila o bibigyang ng diskriminisasyon. Kahit ganun sila, mas malaki pa nga ang silbi nila sa ibang lalaki dyan na walang ginawa kundi gumawa ng kasalanan. Dapat silang irespeto at galangin ang pagkatao. Amen. Ang lesson na ibinigay ko sa inyo ay wag kalimutan ang mga bayaning bakla at si ninoy na hindi bakla. Hallelujah. Cge. Salamat sa pagbabasa. Gbu.
Friday, July 28, 2006
Hay..n0ypi talaga
Kakapanood ko lang sa tv nung isang gabi na hindi ko na matandaan kung kelan sa 'kapuso mo jessica soho' yun tungkol sa pagtatakla. Binigyan kasi ng 'wish ko lang' ng isang banyo na may kubeta ang mga taong taga-di ko na matandaan kung saan dahil sa tabing dagat sila nagdudumi. Tuwang tuwa sila dahil meron na silang kubeta at hindi na babaho ang pailigid nila dahil sa pupu. Pero pagkalipas ng tatlong taon, hindi na sila pumupupu dito dahil hindi na nila inaalagaan ang kubeta. Ang barangay na ang may hawak dito at bawat pagpupu ay may kaukulang bayad na P3 at dahil na rin puro mahihirap na tao ang nakatira dun, halos wala ng gumagamit nito. Kaya balik na lang sila sa tabing dagat. Puno na ng basura, puno pa ng takleyus. Hay..PILIPINO talaga, kapwa na PILIPINO inaabuso pa. Buti na lang may isang organisasyon ang nagbibigay ng libreng inidoro para sa mga taong wala netoh. Para na rin maiwasan ang diarrhea. Pero kahit papano PILIPINO din ako kaya kahit magtago ako sa poso negro, hindi ko maitatangging n0ypi ay pogi. May ugali din ako ng isang tunay na PILIPINO. paminsn minsan tamad, kuripot at walang disiplina mismo pati sa sarili. Mas ok kung pahalagahan natin yun sinabi ni Jesus na 'it's better to give than to recieve'. Nung minsan nga sa skwela humingi sakin yun kaklase ko ng dalawang piso kasi bibili sya ng voice cracker flakes. Wala na kong pamasahe nun pero naalaa ko ang sinabi sakin ni JESUS nung isang araw habang nanonood ako ng doremon. Kaya binigay ko pa rin ang P2 sa kanya pero may kasamang pagkakonsensya, "bro sabi ni LORD its better to give than to recieve kaya kahit wala na kong pamasahe bibigyan pa din kita ng P2". Buti na lang binalik nya kundi hindi ako makakauwi. Hehehehe. Di ko sigurado kung anong tingin ng ibang lahi sa atin. Kung sinabi ba nila ang salitang tamad, n0ypi agad ang nas isp nila?? o kung late, tayo din ba?? o kung walang displina, tayo din ba?? o kung walang pagmamahal sa sariling bayan, ganun ba tayo?? Alam nyo mga tol galit ako sa mga kurakot na pulitiko katulad ni tooooot. Clue: ang abbreviation ng name nya ay katulad ng abbreviation ng isang tv network kung san pinapalabas si doremon at captain barbell. Galit ako dahil nangungurakot sila pero ang dami namang naghihirap na kapwa nila. Kaya may 'Magdal0' ay dahil may kurakot. Kaya naman naglalaban ang kongreso ay dahil kurakot din ang iba. Pati nga sila na nagsasampa ng impeachment complain ay kurakot din eh. Para ngang walang pulitikong hindi kurakot. Say ku lang yun ah. Buti pa ang mga iniidolo ko ay mahal na mahal ang bansa natin. Tulad nila Jose Rizal(ginamit ang makalumang bolpen para labanan ang mga gunggung na kastila), Polmedina jr(na nagsulat ng pugadbaboy na paborito ni elmoi) at Bobong pinoy(ang nagsabi na 'mahal ko ang bansa ko, sapat na yon para masabi mong masarap tumira sa PILIPINAS). Kay bobng pinoy ako mismo nabuhayn ng pagkaPILIPINO. Nung minsan kasi na pakalat kalat lang ang libro na bakit baliktad magbasa ng libro ang PILIPINO, nacurious ako kung ano yun. Kaya nung minasa ako ang mga naunang page, tawang tawa ako. At mas nakilala ko ang pagkaPILIPINO nya nung mabasa ko ng bandang huling pages. Kahit na maraming kurakot dito, kahit na maraming mahihirap dito, kahit na mukhang hindi na aangat ang bansa natin, mahal nya pa rin ito. Idol ko sya. Astig sya men. Kung mapapansin nyo puro mga manunulat ang idolo ko, yun ay gusto ko ding maging katulad nila na naging sikat sa larangan ng makalumang bolpen, komiks na patungkol sa mga PILIPINO, at sa larangan ng kakaiba at kakatwang pagkomento sa internet, gamit ang pagmamahal sa bayang pinagmulan. Hehehe. Pero malayo pa yun ng konti. Konti lang. Hehe ulit. Cge. Maraming salamat x 10 sa iyo na nagbabasa nito, wala kasing nagpupunta dito sa blog ko kahit na pakapilit ko yun iba kong nakakachat sa yahu mesenjer. Hehehe. Gbu plgi. Babay.
Thursday, July 27, 2006
Ang kanta na di ko alam ang taytel
Magpahinga muna
Sa problemang dinadala
Kung medyo serious ka
Baka naman mabuwang ka
Ang tanging payo ko sa'yo
Simulan mo sa ngiti
At gaganda ang mundo
Ngumiti,tumawa,magsaya,kumanta
Loob mo'y gaganda pati ang problema
Ngumiti,tumawa,magsaya,kumanta
Gagaan pati ang problema
Lam nyo ba ang kantang yan?? Sa H3O(HaHaHaover) Qtvch11 ko napanood at unang napakinggan yan. Ang saya ng kanta lalo na tuwing may problema ka. Ako kinakanta ko yan tuwing namomoblema ako sa problema ko. KJ(killjoy) ka pag di ka napangiti o napatawa sa kantang yan. Sundin mo kung anong nasa kanta at siguradong pepresko ang loob mo.Kung may problema ka pa, manood ka ng mga comedy shows sa tv tulad ng H3O,BFV(yari ka!!) at bubble gang sa kapuso channel at yakitate japan sa ch2. Nakakatawa panoorin ng H3O kasi nakakatawa sila jose manalo na paborito ko at si chuchay at si wally bayola, pati si engelbert. Sa BFV naman, nakakatawa ang mga homevideos at nakakatawa si bitoy tuwing magiibang tao sya. Paborito ko din sya. Mas nakakatawa sya pag di sya si bitoy, pagibang tao sya. Yun yakitate nakakatawa din kasi O.A. sa acting tuwing kakain ng tinapay. Grabe. Nakakatawa yun reaksyon nila tuwing makakakain ng tinapay ang judge. Hehehe. Subukan mo ang mga sinajest ko at siguradong matatawa ka. Pag palagi kang problemado at masungit ang mukha siguradong tatanda ka at papangit ng wala sa oras. Makisalimuha ka sa mga kapwa mo kundi KJ ka. Saka sabi ni kris palagi sa deal or no deal tuwing nalulugi na ang player na P10 na lang ang natitirang briefcase, think pasitib. Sabi nga ng kaibigan kong si pete, lyf s short kaya magpakasaya ka sa kahit papaanong paraan. Basta pagnangyari ang di masyadong inaasahan, humarap ka lang sa salamin at piliting ngumiti, matatawa ka nyan sa sarili mo. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. BWAHAHAHAHA. HEEHEEHEEHEE. AWF AWF AWF AWF AWF. MEOW MEOW MEOW MEOW. Aus ba?? Cge. Mrmng slmt s pgbbsa. Babay.

Subscribe to:
Comments (Atom)